Enero 3 2013
Pasukan na naman.Alas-kwatro na ng umaga
buhat ng ako’y magising.Siguro ay may isang oras lamang ang tulog ko sapagkat
puyat ako dahil sa hindi ako makatulog ng maayos.Pagkadating ko sa aming kwarto
ay kaunti pa lamang ang aking mga kaklase.Siguro yung iba ay nasa probinsya pa
at yung iba naman naman ay baka tinamad pang pumasok.Karamihan sa aming guro ay
hindi pa nagturobagkos ay nakipag-kwentuhan muna.Malungkot ako ng araw na ito
sapagkat late na naming ng maipasa ang proyekto namin sa chemistry.Nagkaroon
kami ng usapan sa aming guro sa chemistry na papaya siyang kuhain ang aming
proyekto ngunit 75 na lamang ang maaari niyang ibigay na grado dito dahil sa
huli na kami nagpasaa.Kaya naman matamlay akong umuwi sa bahay naming at agad
na natulog.Pagkagising ko ay naisipan ko na lamang gawin ang proyekto naming sa
English.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento