Martes, Enero 22, 2013

Enero 22 2013


Enero 22 2013

  Ahaaaaaaaayyy ! :D , Sa Wakas nakapag-recite na ako ng Preamble nabawasan na naman ang aking kakabisaduhin.At nakapag-recite na din ako sa Mapeh.Ang Sayaaa J.Nung araw na ding ito pinagpatuloy ko ang pagpipinta ko ng aking gawa sa T.L.E.Natapos ko naman ito yun nga lang mukhang ewan (tingnan mo hindi mawari kung ano ba talaga ang nasa painting. Hahhah :D)Aminado naman ako na hindi ako magaling sa pagpipinta pero sinusubukan ko pa rin na maging maayos ito yun nga lng mukhang wala na talgang pag-asa na gumalng ako.

Enero 21 2013


Enero 21 2013

  Lunes,Pagka-uwi ko ng bahay ay agad kong nagkabisado ng Preamble para sa aming recitatiom sa A.P.Matapos akong mgaka-bisado ay ginawa ko naman ang takdang aralin namin sa Filipino maging ang takdang aralin namin sa Chemistry.Nung araw na ding ito ay kinuhaan ko ng litrato ang aking mama habang binabasa ang sulat na aking ginawa <3

Enero 20 2013


Enero 20 2013

  Nakoooo ! --___--, Isang boring na araw na naman.Wala na naman akong ginawa kundi ang tumunganga sa telebisyon kaya naman nasermonan na naman ako ng aking mama sabi”umagang-umaga nakatunganga ka na naman sa telebisyon hindi mo manlang muna mailigpit yung pinaghigaan mo” kaya naman kumilos ako agad dahil hindi na naman yun titigil kada-dakdak hanggat hindi ako gumagalaw.

Enero 19 2013


Enero 19 2013

  Sabado,Araw ng kuhaan ng card naming.Kinakabahan ako kasi baka bumaba ang aking mga grado at sigurado ako na pag may bumaba o di kaya naman ay nagkaroon ako ng line of 7 ay talagang malalagot ako sa aking papa (parang leon pa naman yun magalit kaya naman tiklop ang buntot ko pag yun na ang nag-sermon e.) Pagkauwi ng aking mama ay agad kong kinuha ang aking card nagging masaya naman ako ngunit sa isang banda ay may pagkalungkot pa din dahil sa mayroon pa ring bumaba na grado.

Enero 18 2013


Enero 18 2013

  Biyernes,Nang araw na ito ay maaga kaming naka-uwi dahil sa wala ang aming adviser sapagkat may laban ang MTAP ngayon.Sabik na sabik na akong umuwi dahil sa inaantok na ako(----_____-----)Pagka-uwi ko ng bahay ay wala sina mama at papa dahil kumuha ang aking papa ng N.B.I kasama ang aking mama.Napaka-boring ng araw na ito at kumain na lamang ako ng kumain ng Stik-o at nakatulog ng hindi ko namamalayan.


Miyerkules, Enero 16, 2013

Enero 17 2013

Enero 17 2013
  Maaga akong pumasok ng araw na ito para nman hindi na ako ma-late dahil din sa may ipapasa pa ako na assignment sa A.P.Pagkadating ko ng room ay agad akong nag-reviw sa Mapeh dahil sa nakalimutan ko na magkakaroon pala kami ng graded recitation ngayong araw.Buti na lamang ay hidi ako nabunot at nagkaroon pa ako ng pagkakataon na mag-aral dahil sa lunes na daw itutuloy ang graded recitation.Pagkauwi ko ay agad akong nag-facebook at nag-blog na din pagkatapos ay ginawa ko na ang painting ko sa T.L.E.

Boring --__--

Enero 16 2013

  Nang araw na ito ay abalang'abala ako sa paggawa ng takdang aralin namin sa English at A.P.Matapos kong magawa ang mga ito ay pumunta na ako sa Computer Shop upang magpa-print dahil walang ink ang aming printer.At nagpatugtog maghapon hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako -,-
Enero 15 2013
 Martes , Nakooo -,-. Late na naman ako ! Paano naman kasi nagpa-xerox pa kami ng takdang aralin namin.Kaya ayun ? (LATE NA NAMAN). Nahtuturo na ang aming adviser ng kami'y dumating sa room.Pagkauwi ko ng bahay ay nilapag ko ang bag ko at nagpahinga saglit at nagpa-motor ako sa papa ko papunta ng Mambugan Paint Center upang bumili ng pintura na gagamitin namin sa T.L.E.Pagkauwi namin ng aking papa ay may nakita kami na nagkakagulo at hinahabol ng mga motorsiklo ang isang truck dahil pala sa nakabangga ito ng jeep at ito ay tutamakas.Grabeeee, :| Nakaka'kaba dahil may mga pasahero pa rin na hindi pa nakakalabas ng jeep at marami pang sakay nito ay estudyante dahil sa mga uwian palang ng mangyari ang aksidente na iyon.Kaya naman napagsabihan na naman ako ng aking papa ng laging mag-ingat dahil ang aksidente ay laging nandyan lang.

Ikaapat na Markahan.

Enero14 2013. Lunes , Hayy . Unag araw ng lesson para sa ika-apat na markahan.Panibagong aralin na naman syempre.Pero masaya ako sa naging resulta ng exam ko dahil matatas naman ang aking nakuha hindi tulad ng dati.Nakakatuwa lang isipin na pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko ay nagbunga naman ng maganda.Masarap isipin na yung nkuha mong score sa exam ay pinaghirapan mo.

Linggo, Enero 13, 2013

Kinagisnang Balon (REPLEKSYON)


KINAGISNANG BALON-
  Natutunan ko na dapat huwag natin ikahiya ang trabaho ng ating magulang lalo na’t kung mabuti naman.Dahil ginagawa lamang nila ito para din sa ating ikabubuti.Huwag din tayo maging mapagmataas sa ating sarili.

Banyaga (REPLEKSYON)


BANYAGA-
  Napagtanto ko na dapat huwag natin kalimutan ang ating bansang kinalakhan kahit saan man tayo magpunta.Huwag din tayo dapat maging mapagmalaki sa ating nakamit bagkos ay maging mapagkumbaba tayo at magpasalamat sa ating kaginhawaang nadaranasan.

Sinag Sa Karimlan (REPLEKSYON)


SINAG SA KARIMLAN-
  Natutunan ko na hindi lahat ng nasa kulungan ay masasamang tao at mayroog masama ang ugali.Dahil lahat ng tao ay maaaring magbago.Kailangan lamang nila ay pagmamahal at pagmamalasakit mula sa kanilang minamahal.

Tata Selo (REPLEKSYON)


TATA SELO-
  Napagtanto ko na dapat huwag natin daanin sa init ng ulo ang ating problema dahil maaari lamang tayo makagawa ng bagay na hindi natin dapat gawin dahil sa nagpadala tayo sa ating galit.

Mabangis na Lugsod (REPLEKSYON)

MABANGIS NA LUNGSOD-
  Natutunan ko na dapat huwag tayong umasa sa mga taong nagbibigay sa atin ng limos dapat ay maghirap tayo.Dapt din huwag atyo manlalamang sa atin kapwa at huwag natin daanin sa laki ta dahas upang sila ay magbigay ng pera dahil pinaghihirapan din nila ito upang magkaroon sila ng pambili para sa panlaman tiyan nila

Sa Pula Sa Puti (REPLEKSYON)


SA PULA SA PUTI-
  Napagtanto ko na kung may bisyo tayo ay dapat hina’y-hina’y lamang at huwag natin ubusin ang pera natin para sa panandaliang kasiyahan lamang at huwag din tayo umasa sa swerte dahil tayo mismo ang gumagawa n gating swerte.

Ang Kalupi (REPLEKSYON)


ANG KALUPI-
  Natutunan ko na dapat hindi tayo basta-basta magsisi at nanghuhusga base lamang sa pisikal anyo.Huwag din agad tayo gagawa ng desisyon na alam nating pagsisisihan nating habang buhay.

Mga Hudyat ng Bagong Kaisipan (REPLEKSYON)


MGA HUDYAT NG BAGONG KAISIPAN-
  Natutunan ko na ang imbensyon nating mga tao ang maaari maglagay sa ating sa kapahamakan.At lahat ng ating natutunan ay mula sa diyos at hindi dapat natin isipin na mas magaling tayo sa kanya dahil utang lang natin ito at kundi dahil sa kanya ay wala tayo sa mundong ating ginagalawan ngayon kaya dapat natin siyang pasalamatan sa kanyang kabutihang ginawa.

Anak (REPLEKSYON)


ANAK-
  Ang kantang ito ni Freddie Aguilar ay sumasalamin sa buhay ng mga tao na hindi inisip ang kanilang ginawa at sa huli ay nagsisi dahil sa maling ginawa nila.At hindi nila binigyang halaga ang payo ng kanilang magulang.

Alibughang Anak (REPLEKSYON)


ALIBUGHANG ANAK- 
   Ang alibughang anak ay isang kwento sa bibliya.Nang mabasa ko ito agad kong napagtanto na kahit na ano pang kasalanan ang nagawa natin sa ating magulang ay handa pa rin nila tayo tanggapin at hindi nila tayo kaya tiisin kaya naman habang sila pa ay buhay ay ipakita natin kung gaano sila kahalaga   at suklian ang mabubuting ginawa nila sa atin.Ang kwento ding ito ay maihahalintulad natin sa tulang “Luha” kung saan nagsisi siya sa huli dahil sa maling ginawa niya.

Luha ( REPLEKSYON)


LUHA-
  Nang mabasa ko ang tulang pinamagatang “Luha” natutunan ko na dapat lagi nating susundin ang payo sa ng ating magulang.Sapagkat wala silang magandang hangad sa atin kundi mapabuti ang atning kinabukasan.Isipin din natin ang lahat n gating gagawin dahil sabi nga sa tula na ito na “nasa huli ang pagsisisi” tama nga naman ito dahil saka lang natin nalalaman na mali pala ang ginawa natin kung kailan huli na t hindi na natin pwede pa mabago.

Enero 13 2013


Enero 13 2013
 Linggo, Ginawa ko yung Repleksyon ng mga akdang natalakay namin sa Filipino.Pagkatapos ay inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay ko na sa bag ang lahat ng kailangan ko para sa pagpasok ko ay wala na akong makakalimutan pa at handa na ako.

Enero 12 2013


Enero 12 2013
 Sabado , Wala ako’ng ginawa ng araw na ito.Natulog lang ako,nanood ng telebisyon at nag-text yun lamang ang ginawa ko.

Enero 11 2013


Enero 11 2013
  Biyernes , Huling araw na ng aming exam. Late na ng dumating ang aming adviser kaya naman huli na din kami ng mag-exam. Pagkatapos naming mag-exam ay nagpa-check sa amin si Sir Mixto ng aming test paper sa Filipino. Masaya naman ako sa naging resulta sapagkat pasado ako sa exam at nagbunga naman ang ginawang kong pag-aaral.

Enero 10 2013



Enero 10 2013
  Pasado 6:30 ng ako’y pumasok dahil sa 7:00 naman daw ang umpisa ng pagsusulit.Pagkadating ko sa aming kwarto ay madami na akong kaklase ngunit hindi pa din nag-uumpisa ang pagsusulit kaya naman na-upolang ako at inalala ang aking mga ni-review.Ang una aming ini-exam ay ag Chemistry sumunod ang Filipino,Mapeh at Values.11:30 ng kami ay pauwian, mas maaga kaysa sa nakasanayang uwian pero ayos lang upang ako’y makapagpahinga at makapag-review din sa susunod na ie-exam bukas

Enero 9 2013


Enero 9 2013
  Miyerkules.Araw na halos wala kaming mga guro.Hindi pumasok ang maing adviser,wala din ang guro naming sa T.L.E maging sa Filipino ay wala din.Kaya naman nung araw na ito ay parang wala kaming natutunan.Pagka-uwi ng bahay ay agad akong natulog at pagkagising ay nagbalik-tanaw ako sa mga nakaraang leksyon namin dahil sa ikatlong pagsusulit na naming bukas.

Enero 8 2013


Enero 8 2013
  Martes,Kulang na naman ang aming mga guro.Sapagkat wala na naman ang guro naming sa T.L.E.Pagkatapos ng eskwela ay tinaos ko ang Portfolio ko sa Math dahil sa pasahan na bukas

Enero 7 2013


Enero 7 2013
  Lunes,Maaga kong gumising ng araw na ito upang ihanda ang gamit ko at para hindi din ako mahuli sa aking pagpasok.Nang araw na ito ay wala an gaming adviser at ang guro naming sa T.L.E.Wala din an gaming guro sa Filipino ngunit pumasok naman ang kanyang asaw na isa ding guro sa Filipino upang bigyan kami ng gawain.Paka-uwi ay ginawa ko na ang Portfolio ko sa Math.

Enero 6 2013


Enero 6 2013
  Nung araw na ito ay dapat magsisimba ako kasama ang aking papa at mama.Ngunit hindi nila ako ginising kaya naman hindi ako nakasama sa kanila.Nang araw na din na ito ay inipon ko ang mga papel na ico-compile ko sa aking portfolio.

Enero 5 2013


Enero 5 2013
  10:00 ng umaga ng akoy magising.Nag-almusal ako at tumunganga na sa telebisyon.Pagkatapos mananghalian ay naisipan ko na kopyahin ang leksyon sa kwaderno ng aking kaklase na hiniram ko noong Huwebes.Inayos ko na din ang portfolio ko sa English at Chemistry.Agad naman akong natulog matapos kong ayusin ang mga ito.

Enero 4 2013


Enero 4 2013
   Biyernes,araw na hindi ako pumasok dahil sa nagkaroon ako ng lagnat mula pa kahapon.Kaya naman pumunta ako sa bahay nila bien ng 5:30 ng umaga upang ipapasa sa kanya ang proyekto ko sa English.Tanghali na ng ako’y magising at wala din akong ginawa nung araw na ito kundi ang magpahinga.

Enero 3 2013


Enero 3 2013
  Pasukan na naman.Alas-kwatro na ng umaga buhat ng ako’y magising.Siguro ay may isang oras lamang ang tulog ko sapagkat puyat ako dahil sa hindi ako makatulog ng maayos.Pagkadating ko sa aming kwarto ay kaunti pa lamang ang aking mga kaklase.Siguro yung iba ay nasa probinsya pa at yung iba naman naman ay baka tinamad pang pumasok.Karamihan sa aming guro ay hindi pa nagturobagkos ay nakipag-kwentuhan muna.Malungkot ako ng araw na ito sapagkat late na naming ng maipasa ang proyekto namin sa chemistry.Nagkaroon kami ng usapan sa aming guro sa chemistry na papaya siyang kuhain ang aming proyekto ngunit 75 na lamang ang maaari niyang ibigay na grado dito dahil sa huli na kami nagpasaa.Kaya naman matamlay akong umuwi sa bahay naming at agad na natulog.Pagkagising ko ay naisipan ko na lamang gawin ang proyekto naming sa English.

Enero 2 2013


Enero 2 2013
  Nung araw na ito ay wala akong inintindi kundi ang iligpit at iayos ang mga gamit na gagamitin ko sa school.Gabi na nang ako’y matapos sa lahat ng gawain.Ngunit pasado alas-dos na ng madaling araw ay hindi pa rin ako makatulog.Hindi ko alam kung bakit hindi parin ako makatulog,ginawa ko na ata ang lahat para makatulog na ako ngunit hindi pa rin talaga.Hindi ko na namalayan ang oras ng akoy dalawin ng antok.

Martes, Enero 1, 2013

January 1 2013

January 1 2013
   Unang araw ng Bagong Taon.Panibagong pag-subok na naman ang makakaharap.Tanghali na ng magising ako nung araw na ito dahil sa puyat.Sapagkat alas-tres na ng madaling araw ng ako ay makatulog.Pagka-gisng ko ay agad akong nag-upload ng picture namin sa Facebook.Pagkatapos ay kumain ako dahil sa konti lamang ang aking nakain nung Mega Noche.Kinahapunan ay hindi ko namalayan na naka-tulog pala ako at ngayon ay kagigising ko lang kaya nag-update na ako ng aking Blog. :D

Bagong Taon :">

  New Year.Araw na inaabangan ng lahat.Umaga pa lang ay makikita mo na na ang bawat pamilya ay abala sa paghahanda ng pagkain para sa kanilang Mega Noche.
  Nung araw na ito ay abalang-abala ako sa kauutos ng aking mama sa pagbili ng kung ano-anu sa talipapa.Pagkatapos ng tanghalian ay agad akong natulog ng sa pagsapit ng alas-dose ng gabi ay gising na gising ako.Masaya ang naging bagong taon ko sapagkat kasama ko ang aking pamilya at mahal ko sa buhay.Wala na kasi sa tingin ko na mas sasaya pa kung kasama mo ang iyong pamilya na mag-celebrate ng Bagong Taon :D.Hindi naman ganun kadami ang aming handa pero sapat na.Dahil hindi naman importante ang madaming handa amg importante ay sama-sama kayoo :">