Biyernes, Marso 15, 2013

Mahal Kong Kaibigan


 Ang liham na ito ay ang pagsulat ko sa aking mga kaibigan kung saan nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa nila pinapahayag ko din dito ang damdamin ko kung gaano sila kahalaga sa akin.

Erehe at Pilibustero


 Ito naman yung takdang aralin naming na tungkol sa erehe at pilibustero kung saan magbibigay ng halimbawa ng ilang linya sa akda na nagpapakita ng kabangisan sa lungsod,karumal-dumal at walang awang kagubatan ang mundo.

MMK(Bahay)


Ito naman yung rebyu na ginawa ko sa MMK na pinamagatang Bahay na pinagbidahan ni Ketchup Eusebio at ni Meg Emperial.

Rebyu


 Isa itong gawaing pang-upuan kung saan kinapanayam ko ang aking katabi sa upuan tungkol sa isa sa kanyang pelikula na napanood na may pamagat na sisterakas.Nakapaloob sa gawain na ito kung sino ang director ng pelikula.anong bahagi ng pinanaood ang masasabing maganda at hindi at iba pa.

Himala


 Ang kantang “Himala” ng Rivermaya ay ang maaari nating kanta na maisasalamin sa akdang “Himala” dahil sa ang nilalaman din nito ay katulad ng tinatalakay sa akda.

Takdang Aralin


 Nakasaad naman sa litrato na ito ang takdang aralin namin na patungkol sa mga pangarap namin o sa mga kurso namin na gustong kunin pagdating namin sa kolehiyo.

Teoryang Saykolohikal


 Nang talakayan naming ang akda na “Himala” nakapaloob dito ang teoryang saykolohikal kung saan pinapakita ang mga salik o pagbuo ng naturang behavior,paguugali,pananaw,paniniwala at pagkatao sa isang tauhan sa akda.

Magkaisa Tayo

 Isa din itong sanaysay na aking ginawa kung saan tinatalakay o dito ang mga suliranin at kaguluhan na nararanasan natin sa ibat-ibang bahagi ng mundo at ang pagpapaabot ng tulong sa ating Pangulo

Pinay Magkaisa tayo




 Isa ito sa ginawa ko na sanaysay na patungkol sa pagiging matagumpay ng mga Pinay. Nilalaman nito ang mga kahinaan ng kababaihan noon,pinagkaiba ng mga babae noon at ngayon.Pinamagatan ko itong “Pinay Matagumpay”

Mga babaeng nagtagumpay


 Kung makikita niyo ang nasa larawan ay sina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos sila ay isa sa mga babae na nagtagumpay sa kanilang buhay at mapapansin naman natin na hanggang ngayon ay matagumpay pa din sila sa larangan ng pag-aartista isa sila sa mga sikat at mahuhusay umarte sa showbiz.

Si Mama :">


 Sa larawan na ito makikita niyo ang larawan ng aking ina na kung saan mayroon nakalagay na positibo at negatibo.Ang mga positibong katangian ng aking ina dito ay  maasikaso,masarap magluto.mapagmahal,matulungin,masipag at  maalaga yan ang mga katangian na gusto ko sa aking ina pero sa kabilang banda may mga negatibo naman siyang paguugali tulad ng masungit,utos ng utos,sermon ng sermon,pag may bayaran ako matagal magbigay ang dami pang tanong at kuripot pero kahit na ganoon pa man mahal na mahal ko ang aking ina at parang hindi ko kaya na mawala siya sa akin.

Pamana



 Ang aking reaksyon sa akda na “Ang Pamana” ni Jose Corazon De Jesus ay wala nang mas mahalaga pa sa mundo kundi ang ating mga magulang.Hindi kaya pantayan ng anumang bagay ang pagmamahal at pagsasakripisyo na ibinigay nila sa atin.

March 15 2013

March 15 2013
  
   Biyernes,Huling araw ng exam.Nakakatuwa kasi tapos na yung paghihirap namin,hayahay na (hahaa :D)Ngayon araw din ay nagkaroon kami ng isang maliit na programa kung saan bibigyang parangal ang mahuhusay na aktor at aktress na nagsiganap sa ginawa naming short film binigyang parangal din ang may kaakit akit na blog,pinakamahusay na paggamit ng wikang filipino at ang may pinakamagandang blog.

March 14 2013


March 14 2013


  Unang araw ng aming exam ngayon kaya naman pasado 6:30 na ako umalis ng bahy dahil sa 7:00 naman ang umpisa.Mas maaga kaming kumuha ng pagsusulit kaysa sa iba dahil aayusin pa daw ang aming ranking.Ang mga pagsusulit na aming sinagutan ngayon ay ang unang-una ang chemistry sinundan ng values pagkatapos ay Filipino at ang pinakahuli ay ang mapeh.Medyo madali naman ang exam para sa mga nag-review (haha :) syempre para sa hindi naman nag review ay mahirap. 

March 13 2013


  Pasado ala-singko na kami ng makauwi ng araw na ito sapagkat kami ay nagpa-interview na isa sa mga kailangan namin sa aming requirements para maging isang 4th year section 1.Nang ako ay ini-interview na hindi ko napigilan hindi umiyak dahil sa tanong na”Kung nasa tabi mo si God sa oras na ito,malungkot ano ang gagawin mo para mapasaya siya?”biglang pumasok sa isip ko si God at na-imagine ang kanyang kalagayan kaya hindi ko napigilan ang bugso ng aking emosyon.

March 12 2013


March 12 2013


  Pagpasok ko ng school ay agad akong hinarang ni funcion at inanyayahan na pumunta sa kanilang bahay dahil kaarawan daw ng kanyang ama agad naman akong sumangayon kahit hindi pa naman ako sigurado.Pagsapit ng uwian ay tinamad akong pumunta dahil sa dami ng gagawin at kailangan pang mag-review dahil malapit na ang pagsusulit.Pasensaya na :)

March 11 2013


March 11 2013


   Lunes,syempre ang sakit sa ulo at ang hirap bumangon dahil ilang oras lang ang aking tulog.Pero kahit na ganoon pa man ay pinilit ko pa parin na pumasok dahil nga may ipapasa pang mga requirements.Pagkadating ko sa school ay hindi naman ako late.Pasado alas-dos naman ako ng umuwi dahil sa inasikaso pa naming yung proyekto naming.

March 10 2013


March 10 2013


  Sunday,nung araw na ito ay ginawa ko naman yung portfolio ko sa English na sa lunes na ipapasa.Nakakapagod kasi ayan dikit dito dikit doon na naman ang ginagawa ko.Ngunit magisa lang din ako sa bahay naming ng araw na itoi dahil umalis sina mama at papa pati ang aking ate at 2 kuya upang pumunta sa burol na aking tito sa taytay.Hindi ko namalayan kung anong oras na ako nakatulog dahil ang huling tingin ko sa orasan ay 12:45 na.

Abala kami :D


March 9 2013


  Sabado,araw ng pahinga ng mag estudyante ngunit tila ba may pasok pa din dahil halos lahat ng aking kaklase ay nagsipunta ulit sa school upang gumawa ng proyekto para sa English na sa lunes na ipapasa at pagkatapos ay gumawa naman ng mural na sa Wednesday na ipapasa.Nakakapagod dahil halos sabay sabay ang pasahan nila at dagdag pa sa alalahanin ang papalapit na pagsusulit para sa ikaapat na markahan.

March 8 2013


March 8 2013


   Ahaaaaay -,- tulad ng dati hapon na naman ako nakauwi dahil ginawa pa namin yung S.I.P na ngayon na ang huling deadline.Pagkatapos ay tumulong din ako sa pagpipintura sa mural namin pero hindi pa namin natatapos dahil nilagyan pa lang namin ng puting pintura upang hindi masyado madaming makain na pintura.

Pagod -___-


March 7 2013


   Syempre,nakakapagod yung araw na ito dahil hapon na nga ako nakauwi kasi ginawa pa namin yung mural painting namin.Pagkauwi ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa sa sobrang bigat ng ulo ko.Pagkagising ko naman ay nagpalit muna ako ng damit dahil nakatulog ako ng suot pa ang aking uniporme sa eskwelahan pagkatapos ay kumain at naghugas ng pinggan ginawa ko din yung Portfolio ko sa Chemistry alas-diyes na ako nang matapos at natulog na din agad dahil may pasok pa bukas.

Walang pasok


March 6 2013

  Wednesday,wala kaming pasok ng araw na ito dahil NAT ng 4th year ngayon.Tanghali na ako ng gumising (hahaha :D).Sinamantala ko na ang pagtulog habang walang pasok.Pero nakakapagod din yung araw na ito kasi ginawa ko yung Filipino nag-update ako ng blog(Ahaaaaaay -____-)kapagod tapos ginawa ko pa ung takdang aralin namin sa English.Dibaa ? parang pumasok din ako sa dami ng ginawa.

Martes, Marso 5, 2013

March 05 2013

March 05 2013


  Late na naman ako umuwi kasi gagawin pa daw namin ulit yung T.L.E namin kasi pinapaulit samin ni Sir.Pano ba naman kasi ang pangit nung una naming ginawa  halatang rush .Arggg -____- Kaya ayan uulitin na naman namin

March 04 2013

March 04 2013

  Lunes ! Ahaaaay . Late na naman ako umuwi ng araw na ito dahil gagawin pa sana namin yung group activity sa T.L.E bukas na kasi ipre-present ito.    Pero hindi naman namin nagawa dahil yung iba naming ka-grupo ay hindi naman nagsipunta.Nakakainis dahil bukas sigurado wala na naman kaming ipapakita kay sir.Ughh -,- nakakaasar.

March 03 2013


March 03 2013


   Linggo! Ginawa ko naman nang araw na ito yung big notebook ko sa English dahil ang baboy na nung dati kong notebook at sa lunes ay pasahan naman nito.Syempre gusto ko naman pag pinasa ito ay presentable tingnan.

March 02 2013


March 02 2013


   Sabado ! Ito yung araw na pagod na pagod yung kamay ko kakasulat ! Hahah c: Pano kasi ang tamad ko magsulat sa chemistry kaya ayun nanghiram ako ng notebook kay sharlyn at yun ang maghapon kong ginawa dahil sa lunes ay pasahan na ng notebook namin sa chemistry

March 01 2013


March 01 2013


  Ito yung araw na ginawa naming ang maing S.I.P At sa wakas ! ay nagkaroon na din kami ng product at tinaggap naman ni Mam.Ang saya ! :D Kasi ayusin na lang daw naming yung paper about dun sa product.

Pebrero 28 2013

Pebrero 28 2013
   Huling araw ng buwan ng pebrero.Ang saya dahil ramdam ko na malapit na ang bakasyo at kalahating buwan na lamang kami magsasama-sama ng aking mga kaklase.Kasi hindi naman naming masasabi na hanggang sa 4th Year naming ay kami kami pa rin ang magkakasama.

Pebrero 26 2013


Pebrero 26 2013


   Martes ! Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong nagpaint dahil pipili pa daw si Sir ng pwede niyang isama sa laban nila bikas.Nakakalungkot dahil hindi napili yung painting ko.Hhaah c: Nagdamdam daw ba? Pero hindi ayos lang kasi alam ko ginwa ko naman ang lahat sadyang hindi lang talaga para sa akin yung pagkakataon na iyon.

Pebrero 25 2013


Pebrero 25 2013

  Lunes ! Syempre balik sa dating buhay gigising ng maaga dahil may pasok.Ngayon din yung araw na nalaman ko ang aking score sa ginawa naming mahabang pagsusulit sa A.P. Thank’s god at worth it naman yung pagre-review ko dahil nakapasa ako at nakakuha ako ng 54 out of 60 . Hahah c: ang saya dahil excempted na naman ako sa exam.

Pebrero 24 2013


Pebrero 24 2013


  Linggo. Nagsimba kami ng araw na ito dahil matagal-tagal na din ang huli naming pagsisimba.Ang saya dahil syempre bless na naman kami ng araw na ito dahil may natutunan na naman kaming aral.Napaka-gaan talaga sa pakiramdam tuwing nagpupunta ako sa simbahan.

Wohhh -_____-


Pebrero 23 2013
  Sabado ! Hay ,Isang nakaka-stress na araw pano nagising na lang ako sa ingay ng kapit-bahay naming.Dahil may nagwawala dawn a lalaki sa bubong at namamato daw ng bato kaya daw ganun yun ay dahil iniwan dawn g asawa at hindi matanggap.Grabe talaga yung pangyayari na ito.Tumawag n nga ng pulis dahil hindi na talag kaya ng mga tanod.Inakyat ng mga pulis ang lalaki sa bubong at sa di inaasahang pangyayari ay nahulog ito at agd na isinakay sa ambulansya.

Pebrero 22 2013


Pebrero 22 2013


  Isang nakakatanad na araw.Paano buong maghapon umulan.Nakakayamot  gabi na huminto hindi tuloy ako nakalabas ng bahay.Sinamantala ko na lang at natulog maghapon para naman makabawi ang hirap kaya gumising at bumangon ng kama araw araw ng maaga.Nakakatamad :)

Pebrero 21 2013


Pebrero 21 2013


  Thursday, Maghapon na naman kami at sa wakas ! nagawa din naming.Wooooh :D sa hinaba haba ng panahon.Pagkauwi naming ni sairah ay sumama samin si chel at carpio upang tumulong sa pagi-edit.Ngunit hindi pa din naming natatapos yung editing pero naumpisahan naman na.Sa Lunes pa naman na yung pasahan nun at sana ay matapos ng maaga para walang problema.

Pebrero 20 2013


Pebrero 20 2013

  Syempre ! Tulad ng dati.Nag-practice na naman kami ngunit wala na namang nagawa.Ahaaaay -,- mukhang ewan lang kami.Paano kasi yung iba paimportante pa.Tapos pag sinabi pang may practice hindi naman magsisipunta.Nakakaasar araw arw na lang ganto. :|

Yamot


Pebrero 19 2013


   Nakoooo ! Nakakayamot, Hindi kasi matapos-tapos kami sa ginagawa naming MTV.Nakakapagod na pano naman kasi ayawpang magsi-ayos.Kaya paulit-ulit na lang tapos pag walang nagawa tsaka sila magsissihan. :(

Pebrero 18 2013


Pebrero 18 2013


  Ngayon araw na ito ay may practice na naman kami ng aming MTV.Ngunit,subalit,datapwat hindi ako nakadalo dahil sumakit ang aking ulo at hindi ko na talaga kaya.Pagkadating ko ng bahay ay uminom muna ako ng gamut at natulog.

Pebrero 17 2013


Pebrero 17 2013

  Ito yung araw na ginawa ko yung minimalist ko.Syempre nagpaint na naman. Hhaha C:.Nakakaasar nga lang yung nagging resulta dahil ang panget kasi nawawala yung paintbrush ko kaya hindi nagging maayos ang pagpa-paint ko

Gala Time :)


Pebrero 16 2013

  Boring ! Kaya naman niyaya ko ang aking ate na gumala.Hahahc:.Umalis kami kasama ang aking 2 pinsan.Masaya naman kahit pagod pagkauwi naming ay agad akong nagpahinga.Hhaha:D Lupaypay ang mata e,

Puyat -_____-


Pebrero 15 2013


   Ahahah :D.Nakakatuwa late na ako umuwi ng bahay dahil nakipag-lamay pa ako pero syempre nagpa-alam naman ako.Hhaha c: kadiri nga e, nagsuka pa ako pano kasi alas-tres ng madaling araw nag-softdrink ako.Hhahaha :DD

Araw Ng Mga Puso


Pebrero 14 2013


  Valentines? Ahaay.Para sa akin ito ay isang ordinaryong araw lamang tulad ng iba.Maaga akong nagising ng araw na ito dahil may practice kami sa values para sa MTV.Grabe nakakapagod pano ang haba ng nilakad naming mula sa school papuntang heaven’s gate at papunta na naman ng blue mountain.Hhah c:. Adventurer ang dating naming pero kahit na ganun pa man, Masaya naman :D

Pebrero 13 2013


Pebrero 13 2013

  Biyernes ! Ang saya kasi huling araw na naman ngayon ng pasok.Haha at ang haba ng bakasyon.Yun nga lang may practice naman kami para sa project naming sa values.

Laughtrip


Pebrero 12 2013

  Grabe ang saya ng araw na ito.Hhaha c: puro kakatawanan ,Ewan ? basta ang saya nung Filipino timepano ba naman kasi si Mam ang lakas mangtrip ano kaya nakain nun >:D.Uwian na at pagkauwi ko ay ginawa ko ang assignment ko sa T.L.E nagpaint muna ako , sa English ay nagbasa naman ako at sinagutan ang comprehension question at sa Filipino y nagsearch naman ako sa internet at ang pinakahuli ay nagreview ako sa A.P Dahil may pagsusulit kami dito at ang makakapasa daw ay excempted sa exam.

Nauwi Sa Panonood :)


Pebrero 11 2013


  Ahaaay -,- Nako isang problemadong araw na naman.Paano kasi yung S.I.P namin.Nakakaasar , ano ba yan ! hindi na natapos yung problema naming sa chemistry.Nakakasawa na kaya pagka-uwi ko ng bahay ay imbis na problemahin ko yun ay natulog na lang ako.At pagkagising ay ags kong inasikaso ang takdang aralin namin sa mapeh.Tapos akala ko naman ay may net yung PC nmin yun pala ay wala naman kaya nanuod na lang ako ng Suddenly Its Magic Masaya naman at napaiyak ako ng movie. Hahah naka-relate :D

Pebrero 10 2013


Pebrero 10 2013


  Boring na naman.Hahah :D kaya imbis na tumunganga na naman ako sa telebisyon maghapon ay naisipan ko na magsulat na lang n gaming lecture sa Aralin Panlipuna para maiba naman . Hahha :).Pagkatapos ko magsulat ay natulog naman ako.Syempre napagod e. Pagkagising naman ay ginawa ko naman yung Mix Media ko sa T.L.E. para kinabukasan sa time ng T.L.E ay wala na akong gagawin at dahil pasahan na din pala nun bukas.

Sigh -,-


Pebrero 9 2013

  Sabado, Syempre boring na araw at wala na naman akong magawa kundi ang kumain at matulog.Ayan lang naman lagi gawain ko tuwing sumasapit ang araw ng sabado e.

Happy :D


Pebrero 8 2013


  Biyernes ! Ang saya ng araw na ito dahil napili yung painting ko na ipang-exhibit at sabi pa ni Sir yung mga napili daw yung painting ay excempted na sa exam.Whaha :) Nakakatuwa kasi mababawasan yung irereview ko para sa darating na ikaapat na markahan.As usual pagkauwi ko ng bahay ay agad kong kwinento sa aking mga mama.Natawa lang siya sa sinabi ko dahil sabi niya ang pangit daw painting ko at di nya akalain na mapipili ito. :D

Miyerkules, Pebrero 6, 2013

TAMBAK !

Pebrero 7 2013
 Ahaaaay ---_____---. Isang araw na naman na puno ng asignatura.Naku ! Tambak na naman ang gawain pano kasi iniimbak kaya dumadami :DD . Ayan , Gahol na naman ako sa oras kaya hindi ko na naman malaman kung ano ang una kong gagawin tambak dito, tambak doon. Hhaha :"> Iniisi ko pa lang yung mga gawain tinatamad na ako -_____-. Pero syempre kailangan ko parin sila gawin kahit na tinatamad na ako , Buhay istudyante nga naman .Ang HIRAP :p

Pebrero 6 2013

Pebrero 6 2013
 Magandang gabi ! Ngayon araw na ito ay natulog ako pagkatapos ko matulog ay agad kong pinaloadan ang broadband para mag update ng blog at para din maghanap ng takdang aralin.Syempre palihin din tumitingin ng facebook hahha . :D

Pebrero 5 2013

Pebrero 5 2013
 Wooo :D. Ngayong araw ay ang 48 na katao sa aming section ay pumunta sa Ynares Center upang manuod ng Science Fair kung saan makikita mo ang ibat-ibang imbensyon ng mga highschool student na taga Philippine Science.

Pebrero 4 2013

Pebrero 4 2013
 Lunes,Pumasok ako ng maaga.Pagkadating ko ng room ay pinagkaguluhan agad yung painting ko dahil sa ang ganda daw.Syempre natuwa naman ako .At ngayong araw din ay kulang ang aming mga guro dahil wala si Bb. Tayamora.Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong pinanood yung shortfilm namin sa filipino,at ang saya dahil maganda at worth it naman yung pagod namin. Hhaha :D

Pebrero 2 2013

Pebrero 2 2013
 Sabado na naman ang pinaka boring na araw kasi madalas pagka sabado ay wala akong ginawa kundi ang matulog at kumain.Pero ngayong sabado ay wala akong ginawa kundi ang maglaro ng Temple Run.Pagkatapos  ko magsawa maglaro ay nanuod naman ako ng movie kasama ang aking kuya na may pamagat na "Chinese Zodiac".

Pebrero 1 2013

Pebrero 1 2013
 Biyernes,huling araw na naman( hahaha ).Ang saya kasi pahinga na naman kasi bukas.Buong araw ata natulog lang ako. Hahahah :"> wala na akong masabi.

Enero 31 2012

Enero 31 2012
 Isang nakakapagod na araw, paano ba naman kasi ? pagkauwi ko ay umalis agad kami ng aking mama upang pumunta ng Robinson para kuhain yung NBI Clearance ng aking papa. Yun nga lang hindi namin nakuha kaya naman kinailangan pa namin hintayin ang aking papa na galing pa sa trabaho ngunit pagkadating niya ay hindi din naman niya nakuha dahil kailangan daw sa main siya pumunta.Pasado ala-sais na akmi ng makauwi dahil napakahirap sumakay -______________-.

Enero 29 2013


Enero 29 2013
 Hi-Hello :D. Ito yung araw na hindi ako nakapasok dahil wala akong board na gagamitin para sa T.L.E.Kasi naman sabi ni sir ang hindi daw kumpleto ang gamit bukas ay ililipat ng agriculture, away ko naman malipat doon nu !. Kaya naman mas pinili ko na lang ang hindi pumasok kaysa malipat.Pero kahit na absent ako ay nagpasa pa rink o ng takdang aralin sa Filipino.Pinaabot ko it okay bien.Ginawa ko din ng araw na ito ang pangatlo namin na painting at nagasikaso na din ang aking mama upang ihagilap ako ng board.Sa awa ng Diyos ay nakakita naman siya at agd niya itong inayos para sa akin.:”>

Enero 28 2013


Enero 28 2013
  Syempre , Tulad ng dati pagod na naman. -______-.Alas-kwatro na naman ako ng makauwi sa bahay.Sapagkat nagkaroon kaming ng shooting.Ahayaa :|. Ang sakit na ng binti at paa ko kakalakad antok na antok na din ako pero kailangan gawin dahil proyekto namin ito.Pagkatapos kong magpahinga ay agad ko namang ginawa ang takdang aralin ko sa Filipino.

Enero 27 2013


Enero 27 2013
 Nakooo :| . Isang nakakapagod na araw na naman.Paano naman kasi nagaksaya lang kami ng pera pamasahe papuntang school wala din naman palang mangyayari dahil hindi kami nakapag-shooting dahil wala si Scottie.Kaya naman pumunta na lamang kami ni carpio sa bahay nila medel.Tiningnan na lang naming sila kung paano nila ginawa ang kanilang S.I.P ( Science Investigatory Project ).Pasado alas-singko na kami nang maka-uwi.Pagkadating ko ng bahay ay agd akong nagpahinga at maya maya ay ginawa ko na aking mga takdang aralin.

Panget Na Araw :|


Enero 26 2013
  Ahayyyy -____-.Sabado,Nung araw na ito napagpasyahan naming na gawin ang project namin sa Chemistry sa bahay naming.Yun nga lang hindi pumunta sina function at flaviano.Kami lamang ni duero ang nag-isip.Nakaka-inis lang kasi group project pero dalawa lang kami.Nakakapagod talaga kasi halos lahat ng iniisip naming ay proven na.

Natapos Din ! :D


Enero 25 2013
  Waaa  :”>, Sa Wakas ! Natapos na din ang kinatatakutan ko. Sa awa ng diyos ay nagging maayos n aman ang aking speech yun nga lang masyado lang daw akong mabilis magsalita.Pasado alas-tres na ako ng makauwi sa bahay.Sapagkat nagkaroon kami ng pagpupulong sa Indak isang samahan ng mga mananayaw kung saan pinausapan namin ang tungkol sa gaganapin na Tipulo.Pagkatapos ng aming pagpupulong ay pumunta naman kami ng aking mga ka-grupo sa bahay nila canchela upang ipagpatuloy ang aming shooting ngunit wala doon si canchela  kaya hindi kami natuloy at ang iba ding karakter ay hindi dumalo.Kaya naman napagpasyahan namin na sa lingo na lang ituloy ang aming page-ensayo.

1st Shooting :P


Enero 24 2013
  Nyaaaaa :DD . Ito yung araw na hindi ako dumalo ng shooting namin sa Filipino dahil sa kinailangan ko mag-ensayo ng aking sasabihin sa English.Pero pinangako ko naman na bukas ay makakadalo na ako.
  Naku -__________.Nakakabaliw ang araw na ito dahil sa wala akong ginawa kundi ang magpaulit-ulit ng paulit-ulit ng aking sasabihin.Whahaha :DD.Kabado kasi masyado eh.Baka kasi mablock-out ako sa sobrang kaba at hindo ko masabi yung sasabihin ko :p. Oh, Hanngang ditto na lang . GOODLUCK ^^,

Enero 23 2013


Enero 23 2013
  Nang araw na ito ay wala akong magawa kundi ang asikasuhin ko ang aking speech.Dahil sa biyernes ay ako na ang magi-speech.Kaya naman maghapon akong nagkabisado ng aking sasabihin.

Martes, Enero 22, 2013

Enero 22 2013


Enero 22 2013

  Ahaaaaaaaayyy ! :D , Sa Wakas nakapag-recite na ako ng Preamble nabawasan na naman ang aking kakabisaduhin.At nakapag-recite na din ako sa Mapeh.Ang Sayaaa J.Nung araw na ding ito pinagpatuloy ko ang pagpipinta ko ng aking gawa sa T.L.E.Natapos ko naman ito yun nga lang mukhang ewan (tingnan mo hindi mawari kung ano ba talaga ang nasa painting. Hahhah :D)Aminado naman ako na hindi ako magaling sa pagpipinta pero sinusubukan ko pa rin na maging maayos ito yun nga lng mukhang wala na talgang pag-asa na gumalng ako.

Enero 21 2013


Enero 21 2013

  Lunes,Pagka-uwi ko ng bahay ay agad kong nagkabisado ng Preamble para sa aming recitatiom sa A.P.Matapos akong mgaka-bisado ay ginawa ko naman ang takdang aralin namin sa Filipino maging ang takdang aralin namin sa Chemistry.Nung araw na ding ito ay kinuhaan ko ng litrato ang aking mama habang binabasa ang sulat na aking ginawa <3

Enero 20 2013


Enero 20 2013

  Nakoooo ! --___--, Isang boring na araw na naman.Wala na naman akong ginawa kundi ang tumunganga sa telebisyon kaya naman nasermonan na naman ako ng aking mama sabi”umagang-umaga nakatunganga ka na naman sa telebisyon hindi mo manlang muna mailigpit yung pinaghigaan mo” kaya naman kumilos ako agad dahil hindi na naman yun titigil kada-dakdak hanggat hindi ako gumagalaw.

Enero 19 2013


Enero 19 2013

  Sabado,Araw ng kuhaan ng card naming.Kinakabahan ako kasi baka bumaba ang aking mga grado at sigurado ako na pag may bumaba o di kaya naman ay nagkaroon ako ng line of 7 ay talagang malalagot ako sa aking papa (parang leon pa naman yun magalit kaya naman tiklop ang buntot ko pag yun na ang nag-sermon e.) Pagkauwi ng aking mama ay agad kong kinuha ang aking card nagging masaya naman ako ngunit sa isang banda ay may pagkalungkot pa din dahil sa mayroon pa ring bumaba na grado.

Enero 18 2013


Enero 18 2013

  Biyernes,Nang araw na ito ay maaga kaming naka-uwi dahil sa wala ang aming adviser sapagkat may laban ang MTAP ngayon.Sabik na sabik na akong umuwi dahil sa inaantok na ako(----_____-----)Pagka-uwi ko ng bahay ay wala sina mama at papa dahil kumuha ang aking papa ng N.B.I kasama ang aking mama.Napaka-boring ng araw na ito at kumain na lamang ako ng kumain ng Stik-o at nakatulog ng hindi ko namamalayan.


Miyerkules, Enero 16, 2013

Enero 17 2013

Enero 17 2013
  Maaga akong pumasok ng araw na ito para nman hindi na ako ma-late dahil din sa may ipapasa pa ako na assignment sa A.P.Pagkadating ko ng room ay agad akong nag-reviw sa Mapeh dahil sa nakalimutan ko na magkakaroon pala kami ng graded recitation ngayong araw.Buti na lamang ay hidi ako nabunot at nagkaroon pa ako ng pagkakataon na mag-aral dahil sa lunes na daw itutuloy ang graded recitation.Pagkauwi ko ay agad akong nag-facebook at nag-blog na din pagkatapos ay ginawa ko na ang painting ko sa T.L.E.

Boring --__--

Enero 16 2013

  Nang araw na ito ay abalang'abala ako sa paggawa ng takdang aralin namin sa English at A.P.Matapos kong magawa ang mga ito ay pumunta na ako sa Computer Shop upang magpa-print dahil walang ink ang aming printer.At nagpatugtog maghapon hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako -,-
Enero 15 2013
 Martes , Nakooo -,-. Late na naman ako ! Paano naman kasi nagpa-xerox pa kami ng takdang aralin namin.Kaya ayun ? (LATE NA NAMAN). Nahtuturo na ang aming adviser ng kami'y dumating sa room.Pagkauwi ko ng bahay ay nilapag ko ang bag ko at nagpahinga saglit at nagpa-motor ako sa papa ko papunta ng Mambugan Paint Center upang bumili ng pintura na gagamitin namin sa T.L.E.Pagkauwi namin ng aking papa ay may nakita kami na nagkakagulo at hinahabol ng mga motorsiklo ang isang truck dahil pala sa nakabangga ito ng jeep at ito ay tutamakas.Grabeeee, :| Nakaka'kaba dahil may mga pasahero pa rin na hindi pa nakakalabas ng jeep at marami pang sakay nito ay estudyante dahil sa mga uwian palang ng mangyari ang aksidente na iyon.Kaya naman napagsabihan na naman ako ng aking papa ng laging mag-ingat dahil ang aksidente ay laging nandyan lang.

Ikaapat na Markahan.

Enero14 2013. Lunes , Hayy . Unag araw ng lesson para sa ika-apat na markahan.Panibagong aralin na naman syempre.Pero masaya ako sa naging resulta ng exam ko dahil matatas naman ang aking nakuha hindi tulad ng dati.Nakakatuwa lang isipin na pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko ay nagbunga naman ng maganda.Masarap isipin na yung nkuha mong score sa exam ay pinaghirapan mo.

Linggo, Enero 13, 2013

Kinagisnang Balon (REPLEKSYON)


KINAGISNANG BALON-
  Natutunan ko na dapat huwag natin ikahiya ang trabaho ng ating magulang lalo na’t kung mabuti naman.Dahil ginagawa lamang nila ito para din sa ating ikabubuti.Huwag din tayo maging mapagmataas sa ating sarili.

Banyaga (REPLEKSYON)


BANYAGA-
  Napagtanto ko na dapat huwag natin kalimutan ang ating bansang kinalakhan kahit saan man tayo magpunta.Huwag din tayo dapat maging mapagmalaki sa ating nakamit bagkos ay maging mapagkumbaba tayo at magpasalamat sa ating kaginhawaang nadaranasan.

Sinag Sa Karimlan (REPLEKSYON)


SINAG SA KARIMLAN-
  Natutunan ko na hindi lahat ng nasa kulungan ay masasamang tao at mayroog masama ang ugali.Dahil lahat ng tao ay maaaring magbago.Kailangan lamang nila ay pagmamahal at pagmamalasakit mula sa kanilang minamahal.

Tata Selo (REPLEKSYON)


TATA SELO-
  Napagtanto ko na dapat huwag natin daanin sa init ng ulo ang ating problema dahil maaari lamang tayo makagawa ng bagay na hindi natin dapat gawin dahil sa nagpadala tayo sa ating galit.

Mabangis na Lugsod (REPLEKSYON)

MABANGIS NA LUNGSOD-
  Natutunan ko na dapat huwag tayong umasa sa mga taong nagbibigay sa atin ng limos dapat ay maghirap tayo.Dapt din huwag atyo manlalamang sa atin kapwa at huwag natin daanin sa laki ta dahas upang sila ay magbigay ng pera dahil pinaghihirapan din nila ito upang magkaroon sila ng pambili para sa panlaman tiyan nila

Sa Pula Sa Puti (REPLEKSYON)


SA PULA SA PUTI-
  Napagtanto ko na kung may bisyo tayo ay dapat hina’y-hina’y lamang at huwag natin ubusin ang pera natin para sa panandaliang kasiyahan lamang at huwag din tayo umasa sa swerte dahil tayo mismo ang gumagawa n gating swerte.

Ang Kalupi (REPLEKSYON)


ANG KALUPI-
  Natutunan ko na dapat hindi tayo basta-basta magsisi at nanghuhusga base lamang sa pisikal anyo.Huwag din agad tayo gagawa ng desisyon na alam nating pagsisisihan nating habang buhay.

Mga Hudyat ng Bagong Kaisipan (REPLEKSYON)


MGA HUDYAT NG BAGONG KAISIPAN-
  Natutunan ko na ang imbensyon nating mga tao ang maaari maglagay sa ating sa kapahamakan.At lahat ng ating natutunan ay mula sa diyos at hindi dapat natin isipin na mas magaling tayo sa kanya dahil utang lang natin ito at kundi dahil sa kanya ay wala tayo sa mundong ating ginagalawan ngayon kaya dapat natin siyang pasalamatan sa kanyang kabutihang ginawa.

Anak (REPLEKSYON)


ANAK-
  Ang kantang ito ni Freddie Aguilar ay sumasalamin sa buhay ng mga tao na hindi inisip ang kanilang ginawa at sa huli ay nagsisi dahil sa maling ginawa nila.At hindi nila binigyang halaga ang payo ng kanilang magulang.

Alibughang Anak (REPLEKSYON)


ALIBUGHANG ANAK- 
   Ang alibughang anak ay isang kwento sa bibliya.Nang mabasa ko ito agad kong napagtanto na kahit na ano pang kasalanan ang nagawa natin sa ating magulang ay handa pa rin nila tayo tanggapin at hindi nila tayo kaya tiisin kaya naman habang sila pa ay buhay ay ipakita natin kung gaano sila kahalaga   at suklian ang mabubuting ginawa nila sa atin.Ang kwento ding ito ay maihahalintulad natin sa tulang “Luha” kung saan nagsisi siya sa huli dahil sa maling ginawa niya.

Luha ( REPLEKSYON)


LUHA-
  Nang mabasa ko ang tulang pinamagatang “Luha” natutunan ko na dapat lagi nating susundin ang payo sa ng ating magulang.Sapagkat wala silang magandang hangad sa atin kundi mapabuti ang atning kinabukasan.Isipin din natin ang lahat n gating gagawin dahil sabi nga sa tula na ito na “nasa huli ang pagsisisi” tama nga naman ito dahil saka lang natin nalalaman na mali pala ang ginawa natin kung kailan huli na t hindi na natin pwede pa mabago.

Enero 13 2013


Enero 13 2013
 Linggo, Ginawa ko yung Repleksyon ng mga akdang natalakay namin sa Filipino.Pagkatapos ay inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay ko na sa bag ang lahat ng kailangan ko para sa pagpasok ko ay wala na akong makakalimutan pa at handa na ako.

Enero 12 2013


Enero 12 2013
 Sabado , Wala ako’ng ginawa ng araw na ito.Natulog lang ako,nanood ng telebisyon at nag-text yun lamang ang ginawa ko.

Enero 11 2013


Enero 11 2013
  Biyernes , Huling araw na ng aming exam. Late na ng dumating ang aming adviser kaya naman huli na din kami ng mag-exam. Pagkatapos naming mag-exam ay nagpa-check sa amin si Sir Mixto ng aming test paper sa Filipino. Masaya naman ako sa naging resulta sapagkat pasado ako sa exam at nagbunga naman ang ginawang kong pag-aaral.

Enero 10 2013



Enero 10 2013
  Pasado 6:30 ng ako’y pumasok dahil sa 7:00 naman daw ang umpisa ng pagsusulit.Pagkadating ko sa aming kwarto ay madami na akong kaklase ngunit hindi pa din nag-uumpisa ang pagsusulit kaya naman na-upolang ako at inalala ang aking mga ni-review.Ang una aming ini-exam ay ag Chemistry sumunod ang Filipino,Mapeh at Values.11:30 ng kami ay pauwian, mas maaga kaysa sa nakasanayang uwian pero ayos lang upang ako’y makapagpahinga at makapag-review din sa susunod na ie-exam bukas

Enero 9 2013


Enero 9 2013
  Miyerkules.Araw na halos wala kaming mga guro.Hindi pumasok ang maing adviser,wala din ang guro naming sa T.L.E maging sa Filipino ay wala din.Kaya naman nung araw na ito ay parang wala kaming natutunan.Pagka-uwi ng bahay ay agad akong natulog at pagkagising ay nagbalik-tanaw ako sa mga nakaraang leksyon namin dahil sa ikatlong pagsusulit na naming bukas.

Enero 8 2013


Enero 8 2013
  Martes,Kulang na naman ang aming mga guro.Sapagkat wala na naman ang guro naming sa T.L.E.Pagkatapos ng eskwela ay tinaos ko ang Portfolio ko sa Math dahil sa pasahan na bukas

Enero 7 2013


Enero 7 2013
  Lunes,Maaga kong gumising ng araw na ito upang ihanda ang gamit ko at para hindi din ako mahuli sa aking pagpasok.Nang araw na ito ay wala an gaming adviser at ang guro naming sa T.L.E.Wala din an gaming guro sa Filipino ngunit pumasok naman ang kanyang asaw na isa ding guro sa Filipino upang bigyan kami ng gawain.Paka-uwi ay ginawa ko na ang Portfolio ko sa Math.

Enero 6 2013


Enero 6 2013
  Nung araw na ito ay dapat magsisimba ako kasama ang aking papa at mama.Ngunit hindi nila ako ginising kaya naman hindi ako nakasama sa kanila.Nang araw na din na ito ay inipon ko ang mga papel na ico-compile ko sa aking portfolio.

Enero 5 2013


Enero 5 2013
  10:00 ng umaga ng akoy magising.Nag-almusal ako at tumunganga na sa telebisyon.Pagkatapos mananghalian ay naisipan ko na kopyahin ang leksyon sa kwaderno ng aking kaklase na hiniram ko noong Huwebes.Inayos ko na din ang portfolio ko sa English at Chemistry.Agad naman akong natulog matapos kong ayusin ang mga ito.

Enero 4 2013


Enero 4 2013
   Biyernes,araw na hindi ako pumasok dahil sa nagkaroon ako ng lagnat mula pa kahapon.Kaya naman pumunta ako sa bahay nila bien ng 5:30 ng umaga upang ipapasa sa kanya ang proyekto ko sa English.Tanghali na ng ako’y magising at wala din akong ginawa nung araw na ito kundi ang magpahinga.

Enero 3 2013


Enero 3 2013
  Pasukan na naman.Alas-kwatro na ng umaga buhat ng ako’y magising.Siguro ay may isang oras lamang ang tulog ko sapagkat puyat ako dahil sa hindi ako makatulog ng maayos.Pagkadating ko sa aming kwarto ay kaunti pa lamang ang aking mga kaklase.Siguro yung iba ay nasa probinsya pa at yung iba naman naman ay baka tinamad pang pumasok.Karamihan sa aming guro ay hindi pa nagturobagkos ay nakipag-kwentuhan muna.Malungkot ako ng araw na ito sapagkat late na naming ng maipasa ang proyekto namin sa chemistry.Nagkaroon kami ng usapan sa aming guro sa chemistry na papaya siyang kuhain ang aming proyekto ngunit 75 na lamang ang maaari niyang ibigay na grado dito dahil sa huli na kami nagpasaa.Kaya naman matamlay akong umuwi sa bahay naming at agad na natulog.Pagkagising ko ay naisipan ko na lamang gawin ang proyekto naming sa English.

Enero 2 2013


Enero 2 2013
  Nung araw na ito ay wala akong inintindi kundi ang iligpit at iayos ang mga gamit na gagamitin ko sa school.Gabi na nang ako’y matapos sa lahat ng gawain.Ngunit pasado alas-dos na ng madaling araw ay hindi pa rin ako makatulog.Hindi ko alam kung bakit hindi parin ako makatulog,ginawa ko na ata ang lahat para makatulog na ako ngunit hindi pa rin talaga.Hindi ko na namalayan ang oras ng akoy dalawin ng antok.

Martes, Enero 1, 2013

January 1 2013

January 1 2013
   Unang araw ng Bagong Taon.Panibagong pag-subok na naman ang makakaharap.Tanghali na ng magising ako nung araw na ito dahil sa puyat.Sapagkat alas-tres na ng madaling araw ng ako ay makatulog.Pagka-gisng ko ay agad akong nag-upload ng picture namin sa Facebook.Pagkatapos ay kumain ako dahil sa konti lamang ang aking nakain nung Mega Noche.Kinahapunan ay hindi ko namalayan na naka-tulog pala ako at ngayon ay kagigising ko lang kaya nag-update na ako ng aking Blog. :D

Bagong Taon :">

  New Year.Araw na inaabangan ng lahat.Umaga pa lang ay makikita mo na na ang bawat pamilya ay abala sa paghahanda ng pagkain para sa kanilang Mega Noche.
  Nung araw na ito ay abalang-abala ako sa kauutos ng aking mama sa pagbili ng kung ano-anu sa talipapa.Pagkatapos ng tanghalian ay agad akong natulog ng sa pagsapit ng alas-dose ng gabi ay gising na gising ako.Masaya ang naging bagong taon ko sapagkat kasama ko ang aking pamilya at mahal ko sa buhay.Wala na kasi sa tingin ko na mas sasaya pa kung kasama mo ang iyong pamilya na mag-celebrate ng Bagong Taon :D.Hindi naman ganun kadami ang aming handa pero sapat na.Dahil hindi naman importante ang madaming handa amg importante ay sama-sama kayoo :">