Disyembre 30 2012.
Linggo , Ala-sais ng umaga ay gising na ako.ang ate ko at aking mama upang magsimba sa Marikina.Pagkatapos namin magsimba ay dumiretso naman kami sa Palengke ng Marikina upang mamili ng palaman at orange.Pagka-uwi ay nagpahinga ako at kumain maya-maya ay naisipan ko na basahin ang aklat na ito na pinamagatang Alice In The Wonderland.Ngunit hindi ko natapos dahil sa tinamad na ako.Kaya naman naupo na lang ako at nanuod ng T.V at diko namalayan na nakatulog na pala ako at gabi na ako nagising kaya naman pinagpatuloy ko na lang ang pagtulog ko at hindi na ako kumain ng gabihan :">
Lunes, Disyembre 31, 2012
Disyembre 29 2012
Disyembre 29 2012
Nung araw na ito 11 o’clock na ng tanghali nang ako ay
magising.Maya-maya ay binuksan ko naang t.v upang manood ng aking
pinakaka-abangan na palabas na Be Careful With My Heart.Pasado 3:00 na ng hapon
ng patayin ko ang T.V at naisipan ko na magbasa na libro na pinamagatang THE
VINCI CODE.Binasa ko ang chapter na kung saan tinatalakay ang tungkol sa
painting na THE LAST SUPPER kung saan sinasabi dito na nagkaroon ng karelasyon
si Jesus Christ sa isa sa kanyang mga Disipulo na si Mary Magdalene na isang
prostitute ayon sa aklat.Yun lamang ang ginawa ko sa araw na ito.
Disyembre 28 2012
Disyembre
28 2012
Maaga akong nagising ng araw na ito upang i-update sana ang aking BLOG.Ngunit hindi ko naman nabuksan ang aming computer sapagkat nagkaroon ng problema kaya nasayang lang ang aking tulog sapagkat wala din namang nangyari.Kinahapunan ay dumating ang aking uncle at auntie na galing bicol upang bumisita sa aming bahay at humingi ng pamasko.Ngunit hindi naman namin ito nabigyan sapagkat walang sweldo na natanggap ang aking papa dahil sa ito ay nasusupinde.Pagkauwi naman nila ay agad akong nagligpit ng aming bahay dahil sa ito ay makalat.At alam kong magagalit ang aking mama pag-nadatnan niyang makalat ang aming bahay. :">

Disyembre 27 2012.
Disyembre 27 2012.
Araw na naisipang kong magligpit ng aking mga gamit sa school.Dahil sa napaka-kalat na ng aking gamit.Tinapon ko na yung mga hindi ko na ginagimit at tinabi naman ang mga ginagamit ko pa.Nilabhan ko din ang aking bag sapagkat masyado na itong madumi.Pagkatapos kong magligpit ay wala na akong ginawa kundi ang tumunganga sa harap ng telebisyon. :D
Disyembre 26 2012
Disyembre 26 2012
Ito yung araw na pinakahihintay ng aming
pamilya.Sapagkat sa araw na ito ipinagdiriwang namin ang aming Reunion ngunit
sa kasamaan palad ay nagkaroon ng di pagkakaunawaan noong nakaraang taon
patungkol sa aming Reunion kaya naman napagdesisyunan ng ibang pamilya na huwag
ng magdaos ng Reunion sapagkat madami daw na pamilya ang hindi uma-attend at
nagkaroon pa ng alitan sa 2 pamilya kaya naman malungkot man isipin dahil ito
na lamang ang araw na magkakasama-sama kami at makikilala ko pa nag iba kong
pinsan ay nawala pa kaya naman napakalungkot ko tuwing sasapit ang araw na ito
:(
Miyerkules, Disyembre 26, 2012
Disyembre 25 2012
Disyembre 25 2012
Araw na napagpasyahan ng aking Uncle na pumunta sa bahay ng aking tita sa Angono.Binisita namin ang aking lola sapagkat matagal na din namin siyang hindi nakikita.Dinalhan namin siya ng biko at ube.Pagkadating namin dun ay agad akong humalik sa aking lola at humingi ng pamasko.Ngunit wala daw siyang pera.Napakasaya nung araw na ito sapagkat ang aming buong pamilya at kamag-anak namin ay muling nagsamasama wala ng sasaya sa araw na ito.Gabi na at kinailangan na din namin umuwi sapagkat ang aking uncle ay may pasok pa bukas :">

Disyembre 24 2012
Disyembre 24 2012
Maaga akong nagising ng araw na ito upang magsimba sa Marikina.Pagkauwi namin ng bahay ay may sumunod sa aming likod na mga bata upang mamasko.Agad namang itong binigyan ng aking mama ng 20 pesos.Kinahapunan ay bumili kami ng aking ate ng panghanda para sa aming Noche Buena.Hindi naman ganoon kadami ang aming handa sapagkat mas binibigyang pansin namin ang Bagong Taon.Merry Christmas :">

Disyembre 23 2012
Disyembre 23 2012
Umaga na naman.2 araw na bago ang pasko.Naku ! Excited na ako kaya naman tinulungan ko ang aking mama na magbalot ng regalo para sa kanyang inaanak.:D .Pasensya kung konti lamang ang aking naisulat sapagkat madalas ay wala akong ginagawa.

Disyembre 22 2012
Disyembre 22 2012
Isang boring na araw na naman kaya naman naisipan ko na maglinis ng kuko ng aking paa at lagyan ito na cutics.Natulog na naman ako maghapon kaya naman napagalitan ako ng aking mama dahil wala na daw akong ginawa kundi ang matulog ng matulog.

Disyembre 21 2012
Disyembre 21 2012
Araw na pumaunta ang aming pamilya sa Marikina (ILOG) upang mamili ng regalo para sa aking lola sa aking mga pinsan at para din sa inaanak ng aking mama at papa.Alas-onse na ng gabi ng kami ay makauwi sa aming bahay.Habang naglalakad kami ay di namin inaasahan na sa tabi ng nilalakadan ng aking mama ay may paputok pala.Buti na lamang ay hindi niya ito natapakan. :)

Disyembre 20 2012
Disyembre 20 2012
Araw na wala akong ginawa at sa bahay lamang ako maghapon. Nanood ng T.V, nagpatugtog at kumain ng kumain.Nagpahinga lamang ako ngayong araw na ito dahil sa napagod ako.

Christmas Party
Disyembre 20 2012
Araw na pinakahihintay ng lahat ang aming Christmas Party.Kung saan dapat masaya ang lahat ngunit naging boring.Dahil sa madaming kulang na gamit tulad na lamang ng sound system at madami din sa aming klase ang hindi nagsipag-attend kaya naman naging malungkot ang aming party.At wala man lamang nagasikaso sa amin na guro.Kaya kami-kami na lamang ang naguna sa gagawing program sa aming party.Maaga din natapos ang aming Christmas Party :(

DISYEMBRE 19 2012
Disyembre 19 2012
Ito yung araw na nagkaroon kami ng 1st Annual Miniature Making Contest sa aming room.Kung saan pipili ang tatlong hurado na sina Mam Mixto,Mam Caramba at Mam Velasco.Ang mapipiling 3 mananalo ay bibigyan ng certificate,regalo at ang pagiging excempted sa exam ng T.L.E.Ito din yung huling araw ng pagtatanghal namin sa cultural show.Napakasaya talaga ng pagtatapos ng aming cultural show sapagkat pati ang aming punongguro ay nakisali at nakisayaw din sa amin.Pagkatapos ng program ay napagpasyahan namin na pumunta ng ilog at doon mamili ng pang-regalo para sa aming Christmast Party.

Martes, Disyembre 18, 2012
2nd Day.
Disyembre 18 2012. Ahayy -___-. 2nd Day na ng Cultural namin . Nakakapagod, pero masaya ! :DD. Nakakapagod din palang sumayaw :P . Hahha c:
Pero pakiramdam ko ito yung araw na pagod na pagod ako . Dahil ginawa ko pa yung ibang gawain na bukas na ipapasa sa ibang asignatura . Kaya ito, puyat ang abot >.<". Pero diyan sa aming larawan ay hindi naman bakas ang aming kapaguran .Goodnight <3 :*

Lunes, Disyembre 17, 2012
1st Day Ng Cultural Show.
Disyembre 17 2012. Ito yung unang araw ng Cultural Show na pinamagatang PAMANA. Kung saan sinasariwa ang mga sayaw natin noon. Halimbawa na lang nito ang Tinikling,Maria Clara at Konan.Yung suot namin sa larawang ito ay yung costume namin sa sayaw na Konan. Napakasaya talaga ng araw na ito <3 :">
Miyerkules, Oktubre 3, 2012
Sa Lupa ng Sariling Bayan
Ang aking naging reaksyon ay hindi mo masasabi na tunay ka na ngang nagtagumpay kung may hinanakit ka pa din na dinadala sa iyong puso.
Sa Tabi ng Dagat
Nang Matapos kong mabasa ang tula akala ko ito ay isang simpleng tula lamang ngunit ng talakayin ito pala may tagong kahulugan na tumatalakay sa pagiibigan ng dalawang magkasintahan.Napagtanto ko din na ang kalikasan pala ay maaring makapagpabago ng emosyon ng isang tao.
Dekada'70
Ang aking naging damdamin sa akdang ito ay nalungkot ako sapagkat marami palang tao ang hindi nakamit ang kalayaan noong Dekada'70 dahil sa striktong pamamahala ng pamahalaan.Masasabi ko rin na ang ibang bahagi sa akda ay tunay na nangyari sa buhay tulad na lamang ng Martial Law na kung saan maraming tao ang namatay dahil sa hirap na kanilang dinanas sa pamahalaan at ang pagkakaroon ng kilusang laban sa pamahalaan na tulad na lamang ng NPA o New People's Army
Sa Bagong Paraiso
Ito ay tumatalakay sa isang pagmamahalan ng dalawang magkaibigan na malapit sa isat-isa at nung lumaki na sila at nagkaroon ng pagiisip ay nahulog sa isat-isa ngunit hinadlangan ito ng kanilang mga magulang dahil nga sa wala pa sila sa tamang edad para magmahalan.
Ang aking naging reaksyon dito ay dapat nung bata pa lamang sila ay pinaghiwalay na dapat sila ng kanilang mga magulang ng hindi umabot sa punto na kailangan nilang paghihiwlayin ang dalawang matalik na magkaibigan na napamahal na sa isat-isa.Maihahalintulad ko din ang mga kabataan ngayon sa maikling kwento na ito na kung saan puro damdamin lamang nila ang kadalasan nilang pinaiiral at hindi iniisip ang maaring kahantungan ng kanilang maling ginagawa na sa tingin nila ay tama at makakabuti ito sa kanila.

Kahapon Ngayon at Bukas
Ang kaisipan na nabuo sa aking isipan ay madaling magtiwala at mabilis makuha ang loob ng mga pilipino at meron ring mga pilipino na kahit sarili niyang kababayan ay kayang niyang ipagkalulong at lokohin para lamang sa kanyang ikabubuti.Ang Pandamdamin naman na nabuo sa akin ay pagkainis dahil sinasamantala ng iba ang tulad nating mga pilipino dahil alam nila na mabilis tayong magtiwala.
Tugon.
Ang larawang ito ay nagpapakita ng aking tugon sa tulang Ang Guryon.Ngunit hindi ko ito natapos dahil sa kakulangan ng oras. :)
Simbolo.(Takdang Aralin)
Para sa akin paru-paro ang sumisimbolo sa aking buhay.Dahil tulad ng paru-paro malaya kong nagagawa ang aking gusto at tulad din ng lipad nila ang aking pangarap alam kong mataas ngunit kung pagsusumikapan ay hindi imposibleng maabot ito.
Ang Guryon.
Ito ay tumatalakay sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.
Ang aking repleksyon sa tulang ay nung una akala ko ito lamang ay isang ordinaryong tula na tumatalakay sa isang guryon na isang laruang panlalaki. Ngunit ng ito na ay talakayin ng aming guro hindi lamang pala ito isang ordinaryong tula ngunit ito pala ay may malalim na kahulugan na kung saan ang pangarap ng isang tao ay maihahalintulad natin sa guryon na kahit mataas ang pangarap natin kung ating pagsusumikapan ay maaabot natin.

Sabado, Agosto 4, 2012
Mga Ibong Mandaragit
Ito ay patungkol sa mga magsasaka na ipinapaglaban ang kanilang lupain at karapatan dito.
Ang aking naging saloobin sa kwentong ito ay madalas itong nangyayari sa tunay na buhay o sa realidad dahil mapapansin natin sa ating pamahalaan na kung sino pa ang mayayaman sila pa ang madalas na pinapaboran at ang mga walang kaya sa buhay ay binabalewala na lamang ang mga karapatan nito.

Pangkat 4
Ito ay pagsasadula ng Pangkat 4 sa kwento ng Walang Panginoon na kung saan si Ronny Orga ang gumanap na Marco at si Rolyn Jandonero naman ang gumanap bilang ama na ito.
Walang Panginoon
Ito ay tumatalakay sa isang pagsasamantala ng mga mayayaman sa mga taong walang kaya sa buhay.
Ang aking naging saloobin sa kwentong ito ay nararapat lamang ang kinahantungan ni Don Teong sapagkat siya ay isang sakim na tao at kung hindi siya masusupil ay patuloy lamang niyang gagawin ang pangaapi sa mga taong mahihirap at walang kalaban-laban sa mga tulad nilang may kaya sa buahy.

Jaguar
Ito ay tumatalakay sa isang gwardiya na inimbitahan ang kanyang amo sa isang piyesta sa kanilang lugar na kung saan ay napaaway ang kanyang amo at sa halip na awatin ni Poldo ito ay nakisama pa siya sa gulo.
Ang aking nmasasabi sa dulang ito ay limitasyon ang lahat ng bagay halimbawa na lamang sa kwento kung ikaw ay isang gwardiya at tapos na ang oras ng iyong trabaho ay hindi mo na dapat pakialam pa ang anumang nangyayari sa iyong amo.

Takdang Aralin
Ang larawang ito ay isang halimbawa ng pagpapakita ng pag-ibig sa kanyang ina maihahalintulad ito sa akda ni Emilio Jacinto na may pamagat na Pag-ibig sapagkat nagpapakita ito ng pag-ibig sa kanyang ina.
Kwento ni Mabuti
Ang kwento ni mabuti ay tumatalakay sa isang guro na walang ibang bukambibig ay ang salitang "mabuti".Siya ay isa lamang ordinaryong guro sa eskwelahang kaniyang pinapasukan.
Ang aking naging saloobin ng mabasa ko ang maikling kwento na ito ay maging laging positibo lamang sa buhay sapakat lahat ng problema ay may solusyon.

Sa aking mga kababata
Ang tula na ito ni Dr.Jose Rizal ay tumatalakay sa pagmamahal sa sariling wika at bayan na hindi dapat natin kalimutan saan man tayo magpunta o makarating at dapat lagi natin ito ipagmalaki.
Buod ng Luha ng buwaya
Ang luha ng buwaya ay tumatalakay sa mga mayayamang pamilya na inaapi ang mga mahihirap sa kanilang probinsya subalit nagkaisa ang mga tao sa probinsya at nilabanan nila ang mga mayayamang pamilaya at kalaunan nslsmsn ng mgs ito na ang lupang kinatitirikan pala ng kanilang bahay ay hindi pag-aari ng mga mayayamang pamilya.
Ang aking naging saloobin sa nobelang ito ay hindi dahil sa mayaman ka ay may karapatan ka nang mang-tapak ng mga tao na walang kaya sa buhay at dapat ang karapatan ng bawat isa ay pantay-pantay at hindi nakabase sa estado ng kanilang buhay

Ang Pag-ibig
Ang akda ni Emilio Jacinto na tungkol sa pag-ibig ay tumatalakay sa ibat-ibang uri ng pag-ibig tulad ng pag-ibig sa bayan,kapwa,diyos,sarili,kaibigan at kahit pa man sa iyong kaaway at ang aking naging saloobin sa akdang ito ay tunay talaga na makapangyarihan ang pag-ibig.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)