Ang liham na ito ay ang pagsulat ko sa aking
mga kaibigan kung saan nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa nila pinapahayag
ko din dito ang damdamin ko kung gaano sila kahalaga sa akin.
Biyernes, Marso 15, 2013
Erehe at Pilibustero
Ito naman yung takdang aralin naming na
tungkol sa erehe at pilibustero kung saan magbibigay ng halimbawa ng ilang linya
sa akda na nagpapakita ng kabangisan sa lungsod,karumal-dumal at walang awang
kagubatan ang mundo.
MMK(Bahay)
Ito naman yung rebyu na ginawa ko sa
MMK na pinamagatang Bahay na pinagbidahan ni Ketchup Eusebio at ni Meg
Emperial.
Rebyu
Isa itong gawaing pang-upuan kung saan
kinapanayam ko ang aking katabi sa upuan tungkol sa isa sa kanyang pelikula na
napanood na may pamagat na sisterakas.Nakapaloob sa gawain na ito kung sino ang
director ng pelikula.anong bahagi ng pinanaood ang masasabing maganda at hindi
at iba pa.
Himala
Ang kantang “Himala” ng Rivermaya ay ang maaari
nating kanta na maisasalamin sa akdang “Himala” dahil sa ang nilalaman din nito
ay katulad ng tinatalakay sa akda.
Takdang Aralin
Nakasaad naman sa litrato na ito ang takdang
aralin namin na patungkol sa mga pangarap namin o sa mga kurso namin na gustong
kunin pagdating namin sa kolehiyo.
Teoryang Saykolohikal
Nang talakayan naming ang akda na “Himala”
nakapaloob dito ang teoryang saykolohikal kung saan pinapakita ang mga salik o
pagbuo ng naturang behavior,paguugali,pananaw,paniniwala at pagkatao sa isang
tauhan sa akda.
Magkaisa Tayo
Isa din itong sanaysay na aking ginawa kung
saan tinatalakay o dito ang mga suliranin at kaguluhan na nararanasan natin sa
ibat-ibang bahagi ng mundo at ang pagpapaabot ng tulong sa ating Pangulo
Pinay Magkaisa tayo
Isa ito sa ginawa ko na sanaysay na patungkol sa pagiging matagumpay ng mga Pinay. Nilalaman nito ang mga kahinaan ng kababaihan noon,pinagkaiba ng mga babae noon at ngayon.Pinamagatan ko itong “Pinay Matagumpay”
Mga babaeng nagtagumpay
Kung makikita niyo ang nasa larawan ay sina
Sharon Cuneta at Judy Ann Santos sila ay isa sa mga babae na nagtagumpay sa
kanilang buhay at mapapansin naman natin na hanggang ngayon ay matagumpay pa
din sila sa larangan ng pag-aartista isa sila sa mga sikat at mahuhusay umarte
sa showbiz.
Si Mama :">
Sa larawan na ito makikita niyo ang larawan ng
aking ina na kung saan mayroon nakalagay na positibo at negatibo.Ang mga
positibong katangian ng aking ina dito ay
maasikaso,masarap magluto.mapagmahal,matulungin,masipag at maalaga yan ang mga katangian na gusto ko sa
aking ina pero sa kabilang banda may mga negatibo naman siyang paguugali tulad
ng masungit,utos ng utos,sermon ng sermon,pag may bayaran ako matagal magbigay
ang dami pang tanong at kuripot pero kahit na ganoon pa man mahal na mahal ko ang
aking ina at parang hindi ko kaya na mawala siya sa akin.
Pamana
Ang aking reaksyon sa akda na “Ang Pamana” ni
Jose Corazon De Jesus ay wala nang mas mahalaga pa sa mundo kundi ang ating mga
magulang.Hindi kaya pantayan ng anumang bagay ang pagmamahal at pagsasakripisyo
na ibinigay nila sa atin.
March 15 2013
March 15 2013
Biyernes,Huling araw ng exam.Nakakatuwa kasi tapos na yung paghihirap namin,hayahay na (hahaa :D)Ngayon araw din ay nagkaroon kami ng isang maliit na programa kung saan bibigyang parangal ang mahuhusay na aktor at aktress na nagsiganap sa ginawa naming short film binigyang parangal din ang may kaakit akit na blog,pinakamahusay na paggamit ng wikang filipino at ang may pinakamagandang blog.
March 14 2013
March 14 2013
Unang araw ng aming exam ngayon kaya naman pasado 6:30 na ako umalis ng
bahy dahil sa 7:00 naman ang umpisa.Mas maaga kaming kumuha ng pagsusulit kaysa
sa iba dahil aayusin pa daw ang aming ranking.Ang mga pagsusulit na aming
sinagutan ngayon ay ang unang-una ang chemistry sinundan ng values pagkatapos
ay Filipino at ang pinakahuli ay ang mapeh.Medyo madali naman ang exam para sa
mga nag-review (haha :) syempre para sa hindi naman nag review ay mahirap.
March 13 2013
Pasado ala-singko na kami ng makauwi ng araw na ito sapagkat kami ay
nagpa-interview na isa sa mga kailangan namin sa aming requirements para maging
isang 4th year section 1.Nang ako ay ini-interview na hindi ko napigilan
hindi umiyak dahil sa tanong na”Kung nasa tabi mo si God sa oras na
ito,malungkot ano ang gagawin mo para mapasaya siya?”biglang pumasok sa isip ko
si God at na-imagine ang kanyang kalagayan kaya hindi ko napigilan ang bugso ng
aking emosyon.
March 12 2013
March 12 2013
Pagpasok ko ng school ay agad akong hinarang ni funcion at inanyayahan
na pumunta sa kanilang bahay dahil kaarawan daw ng kanyang ama agad naman akong
sumangayon kahit hindi pa naman ako sigurado.Pagsapit ng uwian ay tinamad akong
pumunta dahil sa dami ng gagawin at kailangan pang mag-review dahil malapit na
ang pagsusulit.Pasensaya na :)
March 11 2013
March 11 2013
Lunes,syempre ang sakit sa ulo at ang hirap bumangon dahil ilang oras
lang ang aking tulog.Pero kahit na ganoon pa man ay pinilit ko pa parin na
pumasok dahil nga may ipapasa pang mga requirements.Pagkadating ko sa school ay
hindi naman ako late.Pasado alas-dos naman ako ng umuwi dahil sa inasikaso pa
naming yung proyekto naming.
March 10 2013
March 10 2013
Sunday,nung araw na ito ay ginawa ko naman yung portfolio ko sa English
na sa lunes na ipapasa.Nakakapagod kasi ayan dikit dito dikit doon na naman ang
ginagawa ko.Ngunit magisa lang din ako sa bahay naming ng araw na itoi dahil
umalis sina mama at papa pati ang aking ate at 2 kuya upang pumunta sa burol na
aking tito sa taytay.Hindi ko namalayan kung anong oras na ako nakatulog dahil
ang huling tingin ko sa orasan ay 12:45 na.
Abala kami :D
March 9 2013
Sabado,araw ng pahinga ng mag estudyante ngunit tila ba may pasok pa din
dahil halos lahat ng aking kaklase ay nagsipunta ulit sa school upang gumawa ng
proyekto para sa English na sa lunes na ipapasa at pagkatapos ay gumawa naman
ng mural na sa Wednesday na ipapasa.Nakakapagod dahil halos sabay sabay ang
pasahan nila at dagdag pa sa alalahanin ang papalapit na pagsusulit para sa ikaapat na
markahan.
March 8 2013
March 8 2013
Ahaaaaay -,- tulad ng dati hapon na naman ako nakauwi dahil ginawa pa namin yung S.I.P na ngayon na ang huling deadline.Pagkatapos ay tumulong din ako
sa pagpipintura sa mural namin pero hindi pa namin natatapos dahil nilagyan pa
lang namin ng puting pintura upang hindi masyado madaming makain na pintura.
Pagod -___-
March 7 2013
Syempre,nakakapagod yung araw na ito dahil hapon na nga ako nakauwi kasi
ginawa pa namin yung mural painting namin.Pagkauwi ko ay hindi ko namalayan
na nakatulog na pala ako sa sofa sa sobrang bigat ng ulo ko.Pagkagising ko
naman ay nagpalit muna ako ng damit dahil nakatulog ako ng suot pa ang aking
uniporme sa eskwelahan pagkatapos ay kumain at naghugas ng pinggan ginawa ko
din yung Portfolio ko sa Chemistry alas-diyes na ako nang matapos at natulog na
din agad dahil may pasok pa bukas.
Walang pasok
March 6 2013
Wednesday,wala kaming pasok ng araw na ito dahil NAT ng 4th
year ngayon.Tanghali na ako ng gumising (hahaha :D).Sinamantala ko na ang
pagtulog habang walang pasok.Pero nakakapagod din yung araw na ito kasi ginawa
ko yung Filipino nag-update ako ng blog(Ahaaaaaay -____-)kapagod tapos ginawa ko
pa ung takdang aralin namin sa English.Dibaa ? parang pumasok din ako sa dami
ng ginawa.
Martes, Marso 5, 2013
March 05 2013
March 05 2013
Late na naman ako umuwi kasi gagawin pa daw namin ulit yung T.L.E namin kasi pinapaulit samin ni Sir.Pano ba naman kasi ang pangit nung una naming ginawa halatang rush .Arggg -____- Kaya ayan uulitin na naman namin
Late na naman ako umuwi kasi gagawin pa daw namin ulit yung T.L.E namin kasi pinapaulit samin ni Sir.Pano ba naman kasi ang pangit nung una naming ginawa halatang rush .Arggg -____- Kaya ayan uulitin na naman namin
March 04 2013
March 04 2013
Lunes ! Ahaaaay . Late na naman ako umuwi ng araw na ito dahil gagawin pa sana namin yung group activity sa T.L.E bukas na kasi ipre-present ito. Pero hindi naman namin nagawa dahil yung iba naming ka-grupo ay hindi naman nagsipunta.Nakakainis dahil bukas sigurado wala na naman kaming ipapakita kay sir.Ughh -,- nakakaasar.
March 03 2013
March 03 2013
Linggo! Ginawa ko naman nang araw na ito yung big notebook ko sa English
dahil ang baboy na nung dati kong notebook at sa lunes ay pasahan naman
nito.Syempre gusto ko naman pag pinasa ito ay presentable tingnan.
March 02 2013
March 02 2013
March 01 2013
March 01 2013
Ito yung araw na ginawa naming ang maing S.I.P At sa wakas ! ay
nagkaroon na din kami ng product at tinaggap naman ni Mam.Ang saya ! :D Kasi
ayusin na lang daw naming yung paper about dun sa product.
Pebrero 28 2013
Pebrero 28 2013
Huling araw ng buwan ng pebrero.Ang saya dahil ramdam ko na malapit na
ang bakasyo at kalahating buwan na lamang kami magsasama-sama ng aking mga
kaklase.Kasi hindi naman naming masasabi na hanggang sa 4th Year
naming ay kami kami pa rin ang magkakasama.
Pebrero 26 2013
Pebrero 26 2013
Martes ! Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong nagpaint dahil pipili pa daw
si Sir ng pwede niyang isama sa laban nila bikas.Nakakalungkot dahil hindi
napili yung painting ko.Hhaah c: Nagdamdam daw ba? Pero hindi ayos lang kasi
alam ko ginwa ko naman ang lahat sadyang hindi lang talaga para sa akin yung
pagkakataon na iyon.
Pebrero 25 2013
Pebrero 25 2013
Lunes ! Syempre balik sa dating buhay gigising ng maaga dahil may
pasok.Ngayon din yung araw na nalaman ko ang aking score sa ginawa naming
mahabang pagsusulit sa A.P. Thank’s god at worth it naman yung pagre-review ko
dahil nakapasa ako at nakakuha ako ng 54 out of 60 . Hahah c: ang saya dahil
excempted na naman ako sa exam.
Pebrero 24 2013
Pebrero 24 2013
Linggo. Nagsimba kami ng araw na ito dahil matagal-tagal na din ang huli
naming pagsisimba.Ang saya dahil syempre bless na naman kami ng araw na ito
dahil may natutunan na naman kaming aral.Napaka-gaan talaga sa pakiramdam
tuwing nagpupunta ako sa simbahan.
Wohhh -_____-
Pebrero 23 2013
Sabado ! Hay ,Isang nakaka-stress na araw pano nagising na lang ako sa
ingay ng kapit-bahay naming.Dahil may nagwawala dawn a lalaki sa bubong at
namamato daw ng bato kaya daw ganun yun ay dahil iniwan dawn g asawa at hindi
matanggap.Grabe talaga yung pangyayari na ito.Tumawag n nga ng pulis dahil
hindi na talag kaya ng mga tanod.Inakyat ng mga pulis ang lalaki sa bubong at
sa di inaasahang pangyayari ay nahulog ito at agd na isinakay sa ambulansya.
Pebrero 22 2013
Pebrero 22 2013
Isang nakakatanad na araw.Paano buong maghapon umulan.Nakakayamot gabi na huminto hindi tuloy ako nakalabas ng
bahay.Sinamantala ko na lang at natulog maghapon para naman makabawi ang hirap
kaya gumising at bumangon ng kama araw araw ng maaga.Nakakatamad :)
Pebrero 21 2013
Pebrero 21 2013
Thursday, Maghapon na naman kami at sa wakas ! nagawa din naming.Wooooh
:D sa hinaba haba ng panahon.Pagkauwi naming ni sairah ay sumama samin si chel
at carpio upang tumulong sa pagi-edit.Ngunit hindi pa din naming natatapos yung
editing pero naumpisahan naman na.Sa Lunes pa naman na yung pasahan nun at sana
ay matapos ng maaga para walang problema.
Pebrero 20 2013
Pebrero 20 2013
Syempre ! Tulad ng dati.Nag-practice na naman kami ngunit wala na namang
nagawa.Ahaaaay -,- mukhang ewan lang kami.Paano kasi yung iba paimportante
pa.Tapos pag sinabi pang may practice hindi naman magsisipunta.Nakakaasar araw
arw na lang ganto. :|
Yamot
Pebrero 19 2013
Nakoooo ! Nakakayamot, Hindi kasi matapos-tapos kami sa ginagawa naming
MTV.Nakakapagod na pano naman kasi ayawpang magsi-ayos.Kaya paulit-ulit na lang
tapos pag walang nagawa tsaka sila magsissihan. :(
Pebrero 18 2013
Pebrero 18 2013
Ngayon araw na ito ay may practice na naman kami ng aming
MTV.Ngunit,subalit,datapwat hindi ako nakadalo dahil sumakit ang aking ulo at
hindi ko na talaga kaya.Pagkadating ko ng bahay ay uminom muna ako ng gamut at natulog.
Pebrero 17 2013
Pebrero 17 2013
Gala Time :)
Pebrero 16 2013
Boring ! Kaya naman niyaya ko ang aking ate na gumala.Hahahc:.Umalis
kami kasama ang aking 2 pinsan.Masaya naman kahit pagod pagkauwi naming ay agad
akong nagpahinga.Hhaha:D Lupaypay ang mata e,
Puyat -_____-
Pebrero 15 2013
Ahahah :D.Nakakatuwa late na ako umuwi ng bahay dahil nakipag-lamay pa
ako pero syempre nagpa-alam naman ako.Hhaha c: kadiri nga e, nagsuka pa ako
pano kasi alas-tres ng madaling araw nag-softdrink ako.Hhahaha :DD
Araw Ng Mga Puso
Pebrero 14 2013
Valentines? Ahaay.Para sa akin ito ay isang ordinaryong araw lamang
tulad ng iba.Maaga akong nagising ng araw na ito dahil may practice kami sa
values para sa MTV.Grabe nakakapagod pano ang haba ng nilakad naming mula sa
school papuntang heaven’s gate at papunta na naman ng blue mountain.Hhah c:.
Adventurer ang dating naming pero kahit na ganun pa man, Masaya naman :D
Pebrero 13 2013
Pebrero 13 2013
Biyernes ! Ang saya kasi huling araw na naman ngayon ng pasok.Haha at
ang haba ng bakasyon.Yun nga lang may practice naman kami para sa project
naming sa values.
Laughtrip
Pebrero 12 2013
Grabe ang saya ng araw na ito.Hhaha c: puro kakatawanan ,Ewan ? basta
ang saya nung Filipino timepano ba naman kasi si Mam ang lakas mangtrip ano
kaya nakain nun >:D.Uwian na at pagkauwi ko ay ginawa ko ang assignment ko
sa T.L.E nagpaint muna ako , sa English ay nagbasa naman ako at sinagutan ang
comprehension question at sa Filipino y nagsearch naman ako sa internet at ang
pinakahuli ay nagreview ako sa A.P Dahil may pagsusulit kami dito at ang
makakapasa daw ay excempted sa exam.
Nauwi Sa Panonood :)
Pebrero 11 2013
Ahaaay -,- Nako isang problemadong araw na naman.Paano kasi yung S.I.P
namin.Nakakaasar , ano ba yan ! hindi na natapos yung problema naming sa
chemistry.Nakakasawa na kaya pagka-uwi ko ng bahay ay imbis na problemahin ko
yun ay natulog na lang ako.At pagkagising ay ags kong inasikaso ang takdang
aralin namin sa mapeh.Tapos akala ko naman ay may net yung PC nmin yun pala ay
wala naman kaya nanuod na lang ako ng Suddenly Its Magic Masaya naman at napaiyak
ako ng movie. Hahah naka-relate :D
Pebrero 10 2013
Pebrero 10 2013
Boring na naman.Hahah :D kaya imbis na tumunganga na naman ako sa
telebisyon maghapon ay naisipan ko na magsulat na lang n gaming lecture sa
Aralin Panlipuna para maiba naman . Hahha :).Pagkatapos ko magsulat ay natulog
naman ako.Syempre napagod e. Pagkagising naman ay ginawa ko naman yung Mix
Media ko sa T.L.E. para kinabukasan sa time ng T.L.E ay wala na akong gagawin
at dahil pasahan na din pala nun bukas.
Sigh -,-
Pebrero 9 2013
Sabado, Syempre boring na araw at wala na naman akong magawa kundi ang
kumain at matulog.Ayan lang naman lagi gawain ko tuwing sumasapit ang araw ng
sabado e.
Happy :D
Pebrero 8 2013
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)